“ANG daddy! Anong nangyari sa kanya?” maluha-luha sa pinaghalong takot, pagkabahala, lungkot at pag-aalala na tanong ni Meiryn sa doctor na naabutan pa niya sa loob ng private room sa hospital kung saan isinugod ang daddy niya. Nitong alas diyes lamang kasi ng umaga, tinawagan siya ng sekretarya ng ama para ipaalam na inatake raw ito sa puso at madaling dinala sa hospital. She glanced at him that’s still sleeping on the bed. “Inatake siya sa puso dahil ng sobrang stress at pag-aalala sa dami malamang ng mga iniisip niya nitong mga nakaraan, hija.” Naisabunot ni Meiryn ang mga daliri sa kanyang buhok. Sobrang affected ng daddy niya sa laking pagbabagong nangyayari sa buhay at heto na nga, isa ito sa mga resulta. Plus, the fact na hindi nila inaasahan at biglaan ang lahat! “But don’t wo