LINGID sa kaalaman ni Meiryn, pagkalabas niya ng opisina isang araw at dumiretso siya sa likuran sa baba ay may nakasunod at tahimik na nanunuod sa kanya mula sa ‘di kalayuan. Sinindihan niya ang isang papel ng lighter na hawak niya’t itinapon ang may apoy na papel sa drum ng mga basurahan kung saan niya itinapon ang kasalukuyang panibago na namang natanggap mula sa nagpapadala ng strange stuff sa kanya. Sa totoo lang ay nawala na halos ang takot niya at napalitan na lamang ng inis at pagkabagot! Sa halos dalawang linggo ba namang pagpapadala sa kanya ng kung anu-ano’y wala namang nangyayaring masama sa kanya at puro pananakot lamang naman ang ginagawa! She’s no longer scared! Kung may problema sa kanya ang isang tao, bakit hindi siya harapin nang personal at makipag-usap sa kanya, ‘di b