HINDI lang isang beses kundi ilang beses na naulit at pinadalhan si Meiryn ng strange stuffs ng kung sino mang nagpapadala nu’n sa kanya. She really has no any idea who is behind those things, at natatakot ma’y hindi niya hinayaang maapektuhan siya ng mga ganitong bagay lalo na sa kanyang trabaho. Napahingang malalim siya nang may matanggap na naman siya isang umaga at nag-iisa siya sa opisina. Wala kasi si Grant ngayon at sinabi nitong sa Lorenzo ito buong araw dahil mas may kailangan at marami itong tatapusin at aasikasuhin doon. She was staring at the freshly sinister pictures sent to her. May sa-limang mga solong litrato niya iyon na nakuha malamang ng taong baliw sa kanyang ImageTap account at ang isa’y kasama niya sa lirato si Austina tapos pin-rint para ipadala sa kanya. Lahat ay