Chapter Two

1313 Words
"Elise!" Napalingon siya sa tumawag. Ang classmate at kaibigan niya iyong si Mara. Kararating lang nila ng kaniyang Lola sa escuelahan kung saan gaganapin ang graduation ceremony. Nilapitan niya ang kaibigan nang makita. "Mara!" Nagkaroon rin naman siya ng mga kaibigan sa escuela noong makatuntong na sa higher grades. Ganoon siguro talaga kapag mga bata pa—madali lang ang panunukso. Pero lumilipas ang mga taon at nag-m-mature din naman. "Congrats sa atin! Sa wakas!" anito at bahagyang tumawa. Napangiti na rin siya. Oo nga at kahit papa'no ay natapos na rin nila ang highschool. "Saan ka mag-c-college?" "Uh, dito lang din? Hindi pa namin napag-uusapan ni Nanay. Pero siguro..." nagkibit-balikat siya. "Sana magkaklase pa rin tayo!" umaasang ani Mara. "Pareho lang din naman ang kukunin nating kurso." Balak niyang mag-take ng kursong nursing. Dahil siguro isang nurse ang yumao niyang ina kaya ganoon din ang gusto niya. Si Donya Lucia na ang nagpapaaral sa kaniya noon pa man. Kaya malaki talaga ang utang na loob nila ng kaniyang Lola sa mabait na Donya. Tinawag na si Mara ng mga magulang nito at ganoon din naman ang kaniyang Lola sa kaniya. Magsisimula na rin kasi ang ceremony. "Elissa Fernandez," Malaki ang ngiti ni Elise habang umaakyat sa stage upang kunin ang pinaghirapan niyang Diploma. Bahagya pa niya itong tinaas para ipakita sa kaniyang Nanay Beth. Ngunit bahagya siyang natigilan nang dumapo ang tingin sa ngayon ay kasama na ng kaniyang Lola. Nakatayo ito sa tabi nito at may ngisi sa guwapo nitong mukha habang pumapalakpak para sa kaniya. Bahagya niya itong pinanlakihan ng mga mata at lalong lumaki ang kaniyang pagkakangiti. Hindi niya ito inaasahan! Ang alam niya ay sa mga susunod na linggo pa ang dating nito at ng pamilya nito para magbakasyon. "Congratulations!" salubong nito sa kaniya nang makababa na siya sa stage. Naro'n pa rin ang guwapong ngiti nito para sa kaniya. Hindi napigilan ni Elise ang agad na pagsugod ng yakap dito. Na-miss niya ito ng sobra! Kagaya ng palagi niyang nararamdaman. Narinig niya itong tumawa at maagap naman siyang niyakap pabalik. "Hindi ka nagsabi! Ang akala ko sa mga susunod na linggo pa ang dating n'yo..." aniya matapos kumalas rito. "Surprise?" pilyong anito saka siya inabutan ng isang bouquet ng magaganda at mabangong mga bulaklak. At isang kahon na naglalaman ng regalo na naman nito para sa graduation niya ngayon. Napailing na lang siya at tinanggap ang mga binigay nito. "Thank you." aniya at muling nag-angat ng tingin dito. Ilang sandali silang nakatingin lang sa mukha ng isa't isa. Sa Maynila ito nag-aaral at nasa third year na sa college. Puna ni Elise ang nadagdag na pagbabago na naman dito. Lalo yatang lumaki ang pangangatawan nito. Lalong nabakat ang mga muscles sa suot nitong polo shirt na medyo hapit sa katawan nito. Para kay Elise, habang tumatagal ay mas lalo yatang gumuguwapo ang lalaki sa paningin niya. At alam na alam niyang hindi lamang sa mga mata niya ito guwapo kung 'di sa lahat siguro ng nakakakita rito. Kanina pa nga niya naririnig ang mga bulungan sa paligid at iilang tili ng mga kabatch niya. Napapailing na lang si Elise. "Happy birthday! Make a wish!" masiglang bati sa kaniya ni Stefan. Magkaharap silang nakaupo sa isang saping nilatag nila sa buhangin. Sa gitna nila ay ang cake na binili ni Stefan para eighteenth birthday niya sa araw na iyon. Sa buwan ng Abril ang kaniyang kaarawan kaya ito ang sumunod na okasyon sa graduation niya. At gaya ng inaasahan, hindi talaga siya binibigo ni Stefan sa mga surpresa nito sa kaniya at pag-alala sa mga espesyal na araw sa buhay niya. Ilang sandali niyang pinikit ang mga mata para sa isang hiling bago hinipan ang mga kandila sa ibabaw ng mukhang masarap na chocolate cake. Halos namatay na ang pagkakasindi sa mga ito dahil sa mahangin na lugar. "Salamat, Stefan." isang matamis na ngiti ang ibinigay niya rito. Nginitian rin siya nito. "You're welcome." Medyo nagtagal ang pagkakatitig nila sa isa't isa kaya napatikhim si Elise at napaiwas ng tingin. Pinakiramdaman niya ang pamilyar na paghuhuramentado na naman ng kaniyang puso. Bigla siyang tumayo at pinuna na lamang ang papalubog na araw at 'yon na lang ang binalingan. Nilapag naman ni Stefan ang cake at sumunod sa kaniya. Parang may nagkakarerahan sa loob ng kaniyang dibdib nang maramdaman ang kamay ni Stefan sa kaniya. At unti-unti nito iyong pinagsiklop... Ilang sandaling hindi nakapag-react si Elise at halos manigas nalang sa kinatatayuan. Hindi naman ito ang unang beses na hinawakan ni Stefan ang kamay niya. Ngunit iyon yata ang matagal... Unti-unti niya itong binalingan. Nagtagpo ang kanilang mga tingin at malamlam ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Hinarap siya ni Stefan at hinawakan ng mga kamay nito ang kaniya saka siya pinakatitigan. "We've known each other since we were kids..." panimula nito na lalong nagpakabog sa kaniyang dibdib. "You're the main reason why I kept on coming back here," saglit nitong kinagat at pang ibabang labi at halos mapakamot pa sa batok. Pagkatapos ng isang mahinang buntong-hininga ay kumawala sa mga labi nito ang mga sumunod na salita. "I like you, Elise..." Ilang sandali silang nabalot ng katahimikan matapos nitong sabihin iyon. Binalingan muli ni Elise ang napakagandang sunset. Nang muli siyang mag-angat ng tingin kay Stefan ay kita pa rin niya ang paghihintay nito ng sagot mula sa kaniya. A small smile slowly stretched her lips. "Gusto rin kita, Stefan..." Matagal na, aniya sa kaniyang isipan. Isang malapad na ngiti ang kumawala sa mga labi nito. Agad siyang binalot ni Stefan sa mainit nitong yakap—taliwas sa malamig na simoy ng hangin. Sinuklian niya rin ang yakap nito. Nang kumalas ay ilang saglit lamang silang nagkatitigan bago nito unti-unting binaba at nilapit ang mukha sa kaniya para sa isang halik. Halik na dampi lang sa una hanggang sa naging malalim... It was their first kiss. Kasabay ng pagpikit ng kanilang mga mata at pagdama sa halik ay ang tuluyang paglubog ng araw. At tanging ang tunog lang ng paghampas ng mga alon sa dalampasigan ang ingay sa paligid. Bukod sa malakas na t***k ng kaniyang puso... "Narito si Ma'am Catherine," Mula sa computer ay nag-angat ng tingin si Elise sa kakarating lang na si Josef. Kasunod nga nito ang tinutukoy. Napatayo siya upang salubungin din ito. "Good morning, Ma'am," she politely greeted. The woman smiled at her genuinely. The beautiful and elegant Catherine Villegas-Prieto is in front of her. In her simple yet sophisticated look. Wala na yatang kapintasan ang babae. Napakabuti rin nito... "Good morning, Elise, nasa loob ba si Stefan?" mahinhin nitong tanong. Tinutukoy ang opisina ng kaniyang boss. Umiling siya. "Nasa meeting pa po si... Sir," Tumango ito at muli siyang nginitian. "Sige, uh, maghihintay na lang muna ako sa office niya," "Sure, Ma'am," muli niya itong tinanguan. Hinatid niya ang babae sa loob ng opisina ng kaniyang boss. Iiwan niya na sana ito matapos paupuin sa sofa'ng naroon para ikuha ito ng kahit maiinom nang biglang halos sumabog pabukas ang pinto. "What are you doing here?" agad na pagalit na bungad ng kaniyang boss sa asawa nito. Maagap na napatayo si Catherine na halos kauupo lang din. Pilit nitong sinalubong ng ngiti ang asawa na napawi rin dahil sa galit nito. "D-Dinalhan kita ng lunch-" Ngunit bago pa man nito matapos ang sinasabi ay halos kinaladkad na ito ng kaniyang boss palabas sa ospisina nito. "Stefan, n-nasasaktan ako," daing ng babae. "Why can't you just stay at home, huh?! Can't you see I'm busy? I told you! Many times! To stop coming here!" Malakas na sumara ang pintuan. Naiwan si Elise sa loob ng mag-isa. Ilang sandali siyang natulala sa nasaksihang hindi na rin naman bago. She closed her eyes tightly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD