Sa bahay nina Bjorn kami nag-dinner kasama ang aming mga family. Wala namang okasyon, gusto lang ni Tita na magsalo-salo kami. I'm wearing my Valentino dress at suot ko ang stilleto na pasalubong ni Bjorn sa akin. Ayaw ko sana dahil baka kung ano pa ang isipin niya. Pero naisip ko na isuot na lang, para makita niya at baka maisipan pa niya ulit akong bilhan ng madami sa susunod. Napatingin siya sa paa ko nang dumating sila ni Kuya. Nahuli sila ng dating, dahil parehas silang may mga meeting kasama ang client. Ngumiti siya nang makita niya ang suot ko, hanggang sa umakyat ang mga mata sa aking mukha ay nakangiti pa din siya, pero hindi ko siya nginitian. It will be weird if I'd smile back at him. Pasimple niyang iniling ang kaniyang ulo, nang hindi niya mahintay ang pagngiti ko. "