Bukas ng gabi na ang aming engagement party ni Bjorn. And today naman namin imi-meet ang ilang mga supplier para sa gaganaping kasal. Hindi ko alam na may lakad kami, sinundo na lang ako ni Tita sa bahay kanina. Kami lang ang lumakad, dahil busy din si Mommy sa kaniyang business. Inabot din ng tatlong oras ang meeting, dahil nakailang palit kami ng details. Sabi ko hindi ako gaanong interesado sa ilang mga details, pero hindi ko mapigilang mamili at mag-request. "Tama na muna 'to for today at baka pagod ka na," sabi ni Tita. "Pero bago tayo umuwi, daanan na muna natin si Bjorn sa kaniyang opisina." Hindi na ako nakapalag pa, dahil nahihiya akong humindi kay Tita. Baka mamaya isipin ni Bjorn na gusto ko siyang makita, kahit hindi naman. Wala ang kaniyang sekretarya sa desk nito, at