Manloloko ka talaga, Bjorn! Hindi ko mapigilan ang panginginig ng aking katawan, kaya ilang hingang malalim muna ang aking ginawa bago ako nagkaroon ng lakas na umalis. Pero bago pa ako makalayo, tiningnan ko ang sekretarya niya. "Huwag mong sasabihin sa boss mo na nagpunta ako dito. Hindi ako nagpunta dito. Hindi tayo nagkita. We didn't talk!" Gulat man ang babae, sunod-sunod itong tumango. Natakot dahil nakaturo ang daliri ko sa kaniya. "Y-Yes po, Ma'am." Umalis na ako ng kaniyang opisina. Gusto kong magwala, gusto kong umiyak pero nanghihina ang katawan ko. Isa lang ang nasa isip ko ngayon, ang hiwalayan na siya. Umuwi ako ng penthouse upang i-empake ang aking mga gamit, mesa, manequin. Lahat! Wala akong ititira. "Ilagay niyo na sa kotse ang mga iyan," utos ko sa mga bodygua