Sinabi ko sa mga maid na matutulog ako kaya bawal akong istorbohin. Kaya naman nang gumising ako ng tanghali, naipon na ang mga letters galing kay Bjorn. Naisipan kong sumilip sa bintana at nakita ko na naroon pa rin siya. Nakaupo at naghihintay. Nakapalibot pa din ang mga bodyguard niya. "Ma'am, dala po ito ng byenan niyo," sabi ng isa sa kasambahay. Mukhang inaabangan nito ang paggising ko. "Sige pakilagay na lang po diyan, kakainin ko." Hindi na ako gaano nahihilo, medyo nanghihina lang ako kaya kakain muna ako. Madaming pinadalang pagkain si Mommy. Mommy? Dapat siguro Tita na lang ang itawag ko sa kaniya mula ngayon, dahil maghihiwalay na kami ng anak niya. Kumain ako habang iniisip ang business ko na hindi ko mapuntahan ngayon, pero talaga namang sumisingit pa din sa isip ko