Napairap ako dahil paulit-ulit si Bjorn. Nauubusan na naman ako ng pasensya, imbes na magpapakabait na ako sa kaniya. "Mahal mo ako?" "Oo nga!" Ngumiti siya at hinawakan ang dalawang kamay ko. "Say it, please..." "I love you. Mahal kita. Te amo. Wo ai ni. Aishitemas—" Niyakap niya ako at hinalikan ng madiin. "I love you, Reigna. Am I dreaming?" "Ah, gusto mo ba panaginip lang 'to?" Umiling siya. "Ang tagal ko 'tong pinangarap, Reigna. Kung alam mo lang." Binuhat niya ako at pinahiga sa kama. Tumabi siya sa akin at pinaunan ako sa kaniyang dibdib. "About the necklace..." Akala ko hindi na niya maaalala ang tungkol sa bagay na iyon. "Binigay ni Lianne iyon a day after my birthday," kuwento ni Bjorn. "Nandoon pala siya nang birthday mo?" Pagkatapos kong makita ang babae n