May tatapusin na trabaho si Bjorn sa opisina, kaya maaga siyang pumasok. Natulog ulit ako pag-alis niya dahil hilong-hilo ako, at bandang tanghali, nagising ako at nagsusuka. Okay naman ako kahapon, pero bakit ganito na naman ang nararamdaman ko? Lumabas ako ng room upang tingnan kung ano ang puwede kong kainin sa fridge. May mga sliced fruits akong binili kahapon kaya iyon na lang ang kakainin ko. Naluluha ang mga mata ko sa sobrang sama ng pakiramdam ko. Gusto ko lang sanang mahiga, kaso ano'ng oras na. Kailangan ko ng kumain dahil baka nagugutom na ang baby ko. Hindi pa din alam ni Bjorn na buntis ako. Plano kong sabihin ito kapag nasa ibang bansa na kami. I want it to be memorable. Siguradong matutuwa siya. I giggled with that thought. Naaalala ko noon, umaasa siya na buntis ako. G