NAGULAT si Iris nang makita niya ang sarili sa loob ng eroplano. Nagtaka pa siya kung paano siya nakarating doon. Wala siyang maalala. Basta pagmulat ng mata niya ay nasa loob na siya ng eroplano. It looks like a private plane because of the set-up. Tumingin si Iris sa bintana ng eroplano at nakita niyang nasa ere sila. Tinignan niya ang kabuuan ng eroplano upang tignan kung may kasama siya. Natigilan siya nang makita niya ang kaniyang magulang. Natuwa siya at mabilis na nilapitan ang mga ito. “Ma, Pa.” Tawag niya sa kaniyang magulang ngunit parang hindi siya narinig ng mga ito. “Ma! Pa!” Nilakasan niya ang kaniyang boses pero hindi pa rin siya pinapansin. “Ma—” napatigil si Iris at napatingin sa sariling kamay. Hinawakan niya ang kaniyang ina ngunit tumagos lamang ang kaniyang kamay.