JOSEPH was worried about Iris. Lumipas kasi ang buong gabi na hindi bumaba ang lagnat ng dalaga kaya naman nagpatawag siya ng doktor upang suriin si Iris. But then the doctor told him that Iris had a fever because she had been soaked in the rain for too long. Nakahinga na lamang ng maluwang si Joseph nang sumapit ang tanghali bumaba na ang lagnat nito. Inayos niya ang kumot ng dalaga saka sinalat ang nuo. Napatango siya nang maramdaman niya na hindi na ito mainit. Tumayo siya saka lumapit sa may bintana. Hinawi niya ang kurtina para pumasok ang liwanag sa loob. Binuksan niya rin ang bintana upang pumasok ang hangin. Hindi kasi naka-open ang aircon sa kwarto niya dahil pinatay niya ito kagabi. May sakit si Iris kaya maganda kung magpawis ito ng magpawis. Napatingin si Joseph sa pinto n