Maingat akong bumangon, nagising lang ako dahil sa tunog ng cellphone ni Yko. Nang tignan ko ang orasan ay 7:10 am na. Tinanghali na kami ng gising dahil sa nangyari kagabi. Tinapik ko ang pang-upo nito nang muling mag-ring ang phone nito. "Yko, your phone..." nagising naman ito pero kinapa lang iyon, kinuha saka inabot sa akin. Parang bumalik din agad ito sa pagtulog kaya naman tinignan ko na lang kung sino. "Si Zaynel ang tumatawag." Muli kong pinalo ito sa pang-upo, wala naman kasing saplot ang lalaki nang matulog kami, ako naman ay suot ang t-shirt nito. "Sabihin mo natutulog pa ako." Antok na antok na ani ng lalaki. "Are you crazy? Ako ang magsasabi, sure ka?" sarcastic na ani ko rito. Bigla itong napabalikwas nang bangon. "Sorry, baby!" ani nito saka kinuha ang phone n'ya