"Sir, ito na iyong taho." Malawak ang ngising ani ni Gab. Katabi nito si Zaynel na mahinhin ang ngiti sa akin. Wala pang update sa pagbabantay sa phone nito. Literal na dala-dala nila kanina ang dalawang timba na ginagamit sa paglalako. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa mga lalagyan na gano'n. I didn't expect na makukuhang paglaruan ni Gab si Zaynel. Isinama pa talaga nito sa paghahanap ng cravings ni Bible Vera. Tiyak akong hindi alam ng babae iyon. Ano na lang kaya ang magiging reaction nito kapag nagkaalaman. Nabangit ko na kay Mommy na buntis si Bible Vera, nagtitili ito kanina sa labis na gulat. Mabuti na lang bumalik din sa normal ang ginang bago pa dumating sina Gab at Zaynel. "Salamat sa inyong dalawa." "Naku! Wala lang iyon, Sir. Sabihin mo na lang sa asawa ng kaibigan m