"Mamamatay na po ba ang mama namin?" tanong ni Leng sa akin. Nagtungo kami sa bahay ng mga ito after naming kumain. Ngayon ay narito kami sa ospital nila Kuya H, kapapasok lang sa isang silid si Len dahil doon daw titignan ng doctor. "Of course not. Nandito nga tayo sa hospital para ipagamot s'ya." "Sana po gumaling na si mama. Alam ko po napapagod na rin si Tita Zaynel sa trabaho n'yo. Kami na lang palagi ang iniisip ng Tita namin na iyon. Hindi s'ya makapag-boyfriend kasi sabi n'ya sagabal lang daw iyon. Mas importante raw sa kanya iyong matulungan kami." "Ang bait naman ng Tita n'yo." Magiliw na ani ko. Hindi namin naabutan dahil maaga raw nagtungo sa trabaho n'ya. Panggabi raw ang work ng babae, hindi ko lang naitanong kung anong trabaho n'ya. Baka call center agent. "Opo, sobra