"Yko, sa akin mismo ang may mali. Naisip ko lang, iyong mga kaibigan mo may pamilya na, may anak na. Kung pipilitin mo pa ring i-pursue ako, baka mapag-iwanan ka na." Pinunasan nito ang luha ko. Bumuntonghininga rin ito saka sinapo ang magkabilang pisngi ko para lang matitigan ako nito sa mata. "Baby, 50 years, hindi ako nagbibiro sa palugit ko na iyon. Maghihintay ako, wala man tayong label, parang tayo naman na. Masaya naman tayo. Saka maraming paraan, yes, gusto kong magkaanak. Pwede kong ipa-froze ang sperm ko, kung iyan ang inaalala mo. Pwede ring mag-adopt." "Pero nasasayang ang panahon mo sa akin." Giit ko rito. "Walang nasasayang. Worth it lahat ng panahon na lumipas sa paghihintay sa 'yo, Vera. Subukan mo lang ding huwag matakot. Ilalaban ko itong namamagitan sa atin." "P-w