"Dito mo ilagay, manang!" utos ni Batsy. S'ya ang kinuha ni Yko na mag-ayos dito sa garden ng bahay n'ya. May mga naka-set up ng tables and chairs. Kasama ni Batsy ang mga tauhan n'ya sa restaurant at sila ang tulong-tulong na tumatapos ng mga gawain. Ako naman ay tahimik lang na nagmamasid. Wala naman akong magandang maiaambag kung makikigulo pa ako. Alam nila ang ginagawa nila, synchronize silang kumikilos. Maagang dumating ang pamilya ni Kuya Landon, dahil talagang balak nilang kumuha ng rambutan. Sumunod si Kuya Shade at ang pamilya nito. Then si Kuya H kasama sina Ate Keia. Abala na ang mga ito sa pagkuha. Maririnig ang mga hagikgikan ng mga bata. "Bible!" magiliw na tawag ni Batsy sa akin. Humakbang ito palapit at umupo sa tabi ko. "Done?" tanong ko rito. "Yup. Papasok na