"What are you doing here?" takang tanong nito sa akin. Dali-dali akong tumayo saka kinabig ito at mahigit na niyakap. "Hindi ako nagloloko. Ikaw lang ang bebe ko." "Adik ka ba?" takang ani nito na halatang napapantastikahan sa akin. "I'm sorry, hindi ako nagche-cheat. Tapat ako sa 'yo. Huwag kang magalit." Mabilis na pinitik nito ang noo ko. Medyo antok ako, pero sa lakas ng pitik nito ay medyo natauhan na ako. "Ano bang pinagsasabi mo?" "Nagpunta ka raw sa site? Huwag mong paniwalaan ang mga sinabi ni Gab. Wala kaming ugnayan ni Zaynel, tumutulong lang ako sa pamilya n'ya." "Bakit ka nagpapaliwanag? Kung mayroon man o wala, no need namang depensahan ang sarili. Kung sa tingin mo naman ay roon ka sasaya, then go!" nakangiti pa ito. Ang hirap basahin kung tunay ba ang ngiti n'ya o