Imbes na si Bible Vera ang sinasamahan ko, si Soul ang madalas kong buntutan ngayon. Iyon talaga ang pakiusap ni Bible Vera dahil nga sa problema nito. Ayaw ko rin namang bigyan pa ng alalahanin ang dalaga, para mapanatag ito, palagi ko na lang s'yang ina-update. May nakabuntot din palagi rito sa tuwing nagpapa-check up ito ng palihim. Walang interest noon si Vera na magkaanak, pero sa nakikita ko rito ay kita ko kung paano nito protektahan ang dinadala. Pati mga offer dito ay tinanggihan na nito. Naging priority nito ang dinadala nito. Masaya ako, dahil nakikita kong malabong mangyari ang kinatatakutan nito. Hindi s'ya magiging katulad ng kanyang ina. Alam ko, magiging mabuting ina si Bible Vera. Pero dumating sa puntong sobrang mess up ng buhay ni Soul, nalaman n'ya na may anak s'y