"Iniiwasan mo ba ako?" iyon ang nabasa kong text mula kay Zaynel. Kalalabas ko lang ng shower at nagpupunas ng basang buhok nang tumunog ang cellphone ko. Natanggap ko ang text nito na nagtatanong nga kung iniiwasan ko ba s'ya. Hindi ko nagustuhan na dahil sa sinabi nito kay Bible Vera ay nag-doubt na naman ang babae sa pag-ibig ko, pero hindi naman ibig sabihin no'n ay hihinto na ako sa pagtulong sa kapatid nito at mga pamangkin. Kailangan ko lang mag-set ng boundaries sa pagitan naming dalawa upang hindi maging issue ang dalagang ito sa pagitan namin ni Bible Vera. "Pwede mo ba akong puntahan dito sa bar? May nangyari lang kasi. Hindi ko kayang umuwi sa bahay na ganito ang sitwasyon ko." Habang binabasa ko iyon ay unti-unting nang nagsalubong ang kilay ko. Nagpasya akong tawagan ito.