Kasama ko ang imbestigador na ni-recommend ni Landon, pati na ang mga bodyguard ko at ilan sa tauhan ni Boss H. Sinusundan namin ang sasakyan ng babae mula sa video. Hindi pa naman nakakahalata dahil maingat ang ginagawa naming pagbuntot. Pumasok ang sasakyan nito sa hotel and resort na pag-aari ng mga ito. Hindi na pumasok ang mga sasakyan namin. Pero bumaba ako ng sasakyan gano'n din ang mga kasama ko. "Ako na ang magpupunta at haharap sa kanya." Mabilis na prisinta ko. "Boss, ang bilin ni Boss H ay samahan ka namin." Tutol agad ng head security. "Ako na ang bahala. Wala kayong dapat na alalahanin. Kakausapin ko lang s'ya. Walang gulong mangyayari." Assurance ko sa mga ito. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad patungo sa entrance. Agad iginala ang mata at hinanap ang target.