"Wala po ba rito si Sir Yko? Pwede ko po ba s'yang makita?" nahihiyang tanong ko sa guard. Kung no'ng nakaraan ay dumeretso kami ng pasok ng mommy ni Yko, ngayon hindi ako makapasok-pasok dahil mag-isa lang naman ako. Hindi rin ako empleyado. "Hindi po namin pwedeng ibigay ang ganyang detalye sa inyo. Pasensya na po, Ma'am. Kung may appointment ka po, pwedeng-pwede. Kaso wala naman po." Marahan kong hinaplos ang bestidang puti, nabili ko pa iyon sa ukay. Madalas ko lang namang binibili na damit ay iyong isinusuot ko sa bar. Pero iyong mga ganitong klase ng damit, halos hirap ko pang pagdesisyonan. Pero dahil naisip ko si Yko Aragon, pikit-matang binili ko na. Gusto kong maging maganda ako sa paningin n'ya. Pero dahil hindi ako makapasok, bigla akong nanghinayang sa ginastos kong pamasa