"Gabi na, anong ginagawa mo pa rito?" nakaangat ang kilay na tanong ni Soul sa akin. "Miss ko ang kapatid mo." Agad na napasimangot ito, sabay iling. "Talunin mo muna ako sa inuman. Kung mapabagsak mo ako, sige... pwede mo s'yang makita." Iyon lang pala eh! Napakadaling gawin ng gusto nito. Sinenyasan n'ya ako na sumunod sa kanya. Sa bahay ni Soul, ang pinakapaborito talaga na puntahan ay ang garden nito, kaya hindi na rin nakakagulat na roon ang naging ruta namin. May naka-set up na nga roon na mesa at mga alak. Balak n'ya talagang uminom, tapos nagkataon lang na dumating ako, kaya heto may kainuman na s'ya. Tungkol sa negosyo, pamilya at love life lang ang topic namin nito. Nakukuha pang tumawa, lalo na no'ng nakarami na ito. "Inumin mo iyan. Akala mo ba hindi ko mapapansin na