Ilang araw akong nagpabalik-balik sa condo ni Vera, pero bigo akong makita ito roon. Kahit sa bahay ng mga ito ay hindi ko rin natitiyempuhan. Nang si Calline ang contact-in ko, saka ko lang nalaman na sunod-sunod ang project nito. Araw nang linggo, nakatanggap ako ng tip kay Soul na nasa bahay na si Vera. Excited na namili agad ako ng bulaklak at chocolate para naman may bitbit ako pagpunta roon. "Nasa garden po s'ya, Sir Yko." Iyon ang sinabi ni Dangdang pagpasok ko sa sala ng bahay ni Soul. Napatingin pa ang babae sa hawak ko at kusang napangiti. "Manliligaw ka ba, Sir? Lalayag na ba ang lowkey na love team dito sa The Alpha's town?" "Bibisitahin ko lang s'ya, Dang." "Bisita lang? Bakit may pa flowers? Type mo s'ya eh?" kinikilig na ani ni Dangdang. Bahagya ko lang itong nginit