HINDI alam ni Nickolas, kung anong salita pa ang dapat niyang sabihin bakit ayaw siyang paniwalaan ng mga pulis. “Bakit ba pinipilit nyo akong idiin sa salang hindi ko ginawa. Bakit hindi kayo kumilos at imbestigahan mabuti kung sino talaga ang killer! Anong gusto ninyong gawin ko umamin sa kasalanan ng iba? At tuluyang maging malaya ang tunay na salarin?” “Hindi porke't Montemayor ka ay maaari kang magsalita ng ganyan sa amin o sundin namin ang mga salita mo!” “Anong pangalan mo officer?” sa sobrang inis niya ay iyon ang lumabas sa kanyang bibig. “At bakit mo inaalam?” Tumayo siya at lumapit sa gilid nito at binulungan sa taenga. “Dahil pag hindi mo napatunayan na ako ang pumatay ay babalikan kita! Sisiguruhin kong may kalalagyan ka!” agad ding lumayo siya dito at bumalik sa upuan.

