ILANG araw na ang lumipas ngunit wala pa ring linaw ang kaso ni Nickolas. Hanggang sa mga oras na iyon ay wala silang makuhang makakapag patunay na inosente ang asawa. Iisa lang ang magiging witness nito kundi ang bodyguard na si Jarex. “Pupunta ako sa lamay.” “Huwag mong gawin yon Amirah, hindi ka rin nila papasukin. Alam mo naman na pangunahing suspect ang asawa mo.” “Kaya nga ako pupunta eh, baka sakaling makakuha ako ng lead kung sino ang taong gustong magdiin sa aking asawa.” Hindi sumagot si Hugo, dahil may point ang kapatid. Kaya agad na gumawa siya ng plano, kakausapin niya ang pinsang si Nikolai at Brent upang makapag handa agad sila. Makalipas ang dalawang araw. Kinagabihan, “amirah, siguraduhin mong hindi mo aalisin sa katawan iyan.” “Kuya, paano ko ito tatanggalin alanga

