PANAY ang patak ng luha ni Nickolas, ayaw siyang payagan ng mga pulis na magtungo sa ospital upang makita man lang ang asawa. Sinisisi niya ang sarili kung bakit siya nagpunta sa bar na yon. Hindi sana siya nasasakdal ngayon at hindi sana na baril ang kanyang asawa. “Montemayor, may dalaw ka.” sa narinig ay agad na tumayo siya. At halos takbuhin ang visiting area upang makabalita sa kanyang asawa. “Kuya JB, kumusta ang asawa ko?” “Ahm… h-huwag mong masyadong isipin si Amirah.” “Yong totoo Kuya JB, anong lagay ng asawa ko?” “I’m sorry Bunso, pero critical ang kalagayan niya. Merong organ na tinamaan ng bala at 50% ang chance niya upang mabuhay.” Sa narinig ay napaluhod siya at hindi napigilan ang mapahagulhol ng iyak. Ang kawawa niyang asawa dahil sa kanya ay naghihirap. ".... Nickol

