NAGPASALAMAT siya sa tiyuhin dahil dito ay pinayagan siyang makapunta sa ospital. At kahit may mga pulis siyang escort ay ayos lang dahil ang mahalaga lang naman ay makita niya ang asawa. Subalit dahil critical ang kalagayan nito ay hindi maaaring lapitan. Kaya na kuntento na lamang siya sa labas ng ICU, nakamasid siya sa kanyang mahal. "Maiwan na kita dito Mr. Montemayor, huwag ka sanang gagawa ng mali dahil mas lalong bibigat ang kaso mo.” “Huwag kang mag-alaala Hepe, wala sa isipan ko ang bagay na yon. Wala akong kasalanan kaya bakit ko gagawing tumakas. Ang gusto lang ay manatili dito hanggang maging stable na ang kalagayan niya.” “Mabuti naman, sige at marami pa akong gagawin. Nasa labas lang ang mga pulis, mga naka sibilyan ang nilagay ko doon kagaya ng kahilingan ni Chairman Gonz

