MAKALIPAS ang tatlong araw, kagaya ng pinangako ni Nickolas, sa mga pulis. Binalik na siya ng mga ito sa loob ng kulungan matapos sabihin ng doktor ng kanyang asawa na stable na ang kalagayan nito. Hindi man niya nakausap si Amirah, ay ayos lang ang mahalaga ay alam niyang anumang oras ay magigising na ang kanyang kabiyak. “Mag-ingat ka Montemayor, meron akong narinig na may nagbayad ng malaking halaga upang iligpit ka.” Napahinto siya sa paghakbang nang marinig ang mahinang anas ng kasunod niya sa pila para kumuha ng pagkain. Gusto niyang sumagot ngunit mas pinili na lang na tumahimik. Kung mamatay man siya sa kulungan ay siguro iyon ang nakatakda sa kanya. Ang mahalaga lang ay safe na ang asawa niya at malapit nang muling magkasama sama ang kanyang mag-iina. Matapos na kunin ang pagk

