HINDI mapalagay si Amirah, kanina pa siya palakad lakad sa gilid ng bintana. Hanggang nasumpungan ang sarili na mabilis ang bawat kilos. Dati ay halos umabot siya ng isang oras sa paliligo ngunit ngayon ay limang minuto lang yata. Para siyang nakikipag habulan sa bilis gumalaw. At halos tumutulo pa ang kanyang buhok ay tumakbo na siya palabas ng mansion. Agad naman siyang sinalubong ng driver nila at tinanong kung saan siya pupunta. Kaya naman ay agad na sinabi niya ang lugar na pupuntahan. At bago makalabas ng mansion ay lumingon pa siya sa bagong bahay nila bago umayos ng upo, “I’m sorry Nickolas.” “Ma’am Amirah, hihintayin ho ba kita o magpapasundo ka na lang mamaya sa oras ng pag-uwi mo?” “Hindi na siguro Manong ipe, tatawagan na lang kita bago sumapit ang hapon.” “Sige po, Ma’am ik

