ILANG araw na ang lumipas matapos malaman ni Amirah, ang pagkawala ng baby niya. Walang oras na hindi siya umiiyak, matindi ang sakit na nararamdaman at tagusan sa kanyang buong pagkatao. Sarili niyang ina pa ang pumapatay sa anak nila ng mahal na asawa. Paulit ulit man niyang isipin kung bakit nagawa iyon ng taong dapat na siyang unang kakampi niya sa lahat ng oras. Hindi niya matanggap na sariling dugo at laman niya ay siyang nanakit ng sobra sa kanya. Mas pipiliin pa niya na saktan siya in physical na paraan pero hindi eh, dinamay pa ang anghel sa kanyang sinapupunan. Hindi man lang binigyan ng pagkakataon ang anak na masilayan ang mundo. “Sweetheart, pakiusap tama na ang pag-iyak. Ang isipin na lang natin ay kapiling na ng Diyos, ang anak natin. Mas magiging mahirap sa ating dalawa pa

