ILANG araw na siyang walang gana hindi niya makalimutan ang nangyaring pag-uusap nila ng magulang ni Amirah, at nakaramdam siya ng kawalang pag-asa. Siguro nga pinapasurasahan na siya ng langit, dahil mismong ang parents pa ng babaeng lihim tinatangi ng kanyang puso ay ayaw na ayaw sa kanya. Kaya nagpasya siyang humingi ng bakasyon upang makapag-isip-isip. Gusto niyang masiguro kung tama ang binabalak niyang plano. Siguro naman sa isang buwang binigay sa kanya ay maibibigay na niya ang final decision kung ipagpapatuloy o hindi na ang kanyang propesyon. Wala siyang pinagsabihan isa man, kahit pa ang parents niya ay hindi na siya nagpaalam sa mga ito. Lumipad siya patungo ng London, dadalaw na rin siya sa mansion nila o baka doon na rin mag stay. Sa palagay naman niya ay matagal pang bibisi