DALAWANG araw pa lang na kalalapag ng bansa ni Laurice, ay ginising siya ng sunod sunod na katok. Pero bago pa buksan ang pintuan ay nilabas niya muna ang frozen foods na planong lutuin saka tinungo ang pintuan at binuksan iyon. Nagulat pa siya sa taong naroon sa labas. “Magandang umaga Padre Nick, ano po ang maipaglilingkod ko sa ganito kaaga?” “Maganda ang umaga kung magsasabi ka sa akin ng totoo sa mga itatanong ko sayo.” “Pasok ka at saka tayo mag tanungan, Padre Nick.” saka malapad niyang nginitian ang pinsan. “Mag-isa ka lang ba dito?” “Yes, Padre Nick, ang kaibigan ko ay bihira lang pumunta dito.” “Nasaan ba siya ngayon?” “Humn… siya ba ang pakay mo kaya ka narito ng ganito kaaga?” “Yes, alam ko na alam mo kung nasaan siya ngayon kaya sabihin mo ang totoo.” “At bakit bigl