LUMAPAG si Amirah, sa bansang Brazil, sinabubong agad siya ng kaibigan. At hindi na yata ito makapaghintay ay agad na nag-usisa sa kanya. “Alam ko may problema ka, hindi ka basta sasabak sa larong ito kung wala. Sa tagal na nating magkaibigan ay ngayon ka lang nag kusa na lumahok ng competition. Dati ay pinipilit pa kita bago pa mapapayag na sumali sa motorcycle racing competition.” “Huwag mo na akong tanungin bessy, ilang beses na tayong sumali sa ganito, i think pangalawa ko na ito dito sa Brazil huh! Ang mabuti pa ay mag ready na tayo.” “Sige, pero ang ibig kung sabihin ay ayaw kong maglalaro ka ng problemado at baka madisgrasya ka pa. Kaya nga naninigurado ako kung siguradong makakapag laro ka ng maayos?” “Yes, bessy at bakit parang wala kang tiwala sa akin hindi ba at ito ang gus