MASAKIT ang ulo niya dahil halos madaling araw na siya nakatulog. Ayaw sana niyang bumangon ngunit naroon sa baba ang kaibigan ni Jarex.” “Magandang araw Sir Nick, ang kaibigan ko pala si Marvin Morillo. Siya ang sinasabi ko sayo.” “Maupo muna kayo, Jarex, paki kuhaan mo ako ng kape kay Manang, at ang kaibigan mo baka may gustong inumin?” “Sige, Sir Nick.” “Kape na lang din tol.” “Okay, tol Marvin.” Habang naghihintay sila na i-serve ang kape ay kinausap niya si Marvin. “Gusto kong subaybayan mo lahat ng galaw ni Leo Araneda. At ang pinaka importante ay alamin mo kung nasa pangangalaga niya ang aking mag-ina. Report mo sa akin ang lahat ng ginagawa ng tarantadong ‘yon.” “Copy, Sir Nick.” “At kung wala ka namang permaneting trabaho ay maaaring dito ka na lang sa akin?” “Pag-iisipa

