BRAD'S POV "Ayaw na nga ni Lana e, bakit ba pinipilit n'yo pa?" Konting-konti na lang talaga, babanatan ko na din 'tong si Iñigo kagaya nung pambubugbog ko dati kay Toby kung bukas makakalimutan niya ng binugbog ko siya, kaso hindi e. Kaya nandito na lang ako sa sulok, pinagmamasdan kung paano nila pagtulungan si Iñigong kupal. "Hindi naman kase porke sinabi niyang ayaw niya na, ibig sabihin aayaw ka na din di 'ba? Ulol ka kapag ginawa mo 'yun! Buntis si Lana sa anak mo tapos ikaw magbubuhay binata? Pakyu ka forever after. Sinabi na niyang mahal ka niya, at pinapatawad ka na niya sa mga kagaguhan mo dati. Kumbaga sa hayop, endangered species na si Lana. Kung ako sa'yo, titirahin ko na siya, baka matira pa ng iba." Singit ko na lang. Napatingin sila sa aking lahat. I know. I know. I'm so