Chapter Twenty Six Days Without Him SUMMER/JANGMI NAPAPIKIT ako habang naglalakbay papunta sa bahay aliwan. Imbes na maglakad ako habang papunta doon ay nakasakay ako sa palanquin na binigay ng Mahal na Reyna sa akin. Kasama ko din siyang naglalakabay. Nasa isang palanquin siya na nasa likod ng akin. Sinandal ko ang ulo ko dahil sa pagod na nararamdaman ko. Tatlong araw na kaming nagbabyahe, tatlong araw na akong malayo sa mahal na hari. Napahawak ako sa hairpin na suot- suot ko. Siguro ay hindi talaga kami para sa isa't- isa. Isang bagay na dapat ko na lang tanggapin. Siguro may sumpa ako kasi kahit sa mundong pinanggalingan ko at sa lugar na ito, dito sa Joseon. Hindi ako magkakaroon ng hinahangan kong magandang happy ending. Hanggang dito na lang ako. Papanghawakan ko na lang ang

