Chapter Twenty Seven Black Magic THIRD PERSON’S POINT OF VIEW WALANG ganang bumangon si Jangmi mula sa gulo- gulong higaang kinalalagyan niya. Hindi niya halos maigalaw ang katawan n'yang puno ng lovebites at mga kagat galing kay Prinsipe Maru. Naalala n'ya ang lahat ng nangyari sa kaniya ng gabing 'yon. Kung paano siya babuyin at ituring na laruan ni Prinsipe Maru. Kung paano ito nagpakasasa sa katawan n'ya at kung paano siya sumisigaw ng tulong. Ngunit imbes na umiyak ay tila ba nawalan na siya ng pakiramdam. Nandidiri siya lalo sa kaniyang sarili pakiramdam niya sobrang dumi niya. Napakadumi. Hubo't- hubad siya tumayo sa kama at iniwan ang nahihimbing na si Prinsipe Maru. Wala na s'yang pakialam kung 'di pa siya nakadamit, ang tanging gusto na lang niya ay makaalis sa tabi ng lalak

