SUMMER/JANGMI SIX MONTHS. Anim na buwan na ang lumipas, naka-ilang tangkang takas na ako dito sa Tamra ngunit lagi akong nahuhuli. Nahuhuli na tila ba sinasabi nitong hindi mo na matatakasan ang lahat, wala ka ng dapat pang ipaglaban sapagkat dito na magwawakas ang iyong istorya. Hindi ko maintindihan kung bakit ko pa kailangang pagdaanan ang mga ganito. Akala ko ba Happy Ending na kami ng Mahal na Hari? Akala ko ba finally, 'yung dapat tinamasa ko noong kasama ko pa si Lawrence ay makakamtam ko ngayon? Why do I need to suffer this way again? Hindi ko na ba talaga deserve na maging masaya? Pinaglaban ko na ang pagmamahalan namin, maging ang baby namin pero bakit nauwi lang ang lahat sa pighati at paghihirap? Bakit ganito pa rin ang buhay ko? Did I did something wrong? Nagmahal lang

