SUMMER/JANGMI SUNOD- sunod ang lunok ko sa pagkain na hinanda para sa akin ngayon. Nasa harap ko si Jung Ah na nakatitig lang sa akin. Hindi ko naman kasi alam kung magpapasalamat pa ba ako sa kaniya o magpapaliwanag ako. Alam ko naman kasi na 'di niya ako papaniwalaan, for someone who hadn't see what black magic can do. It will be difficult. Paano ba siya maniniwala na ako si Jangmi? Paano? Kailangan kong makaisip ng paraan upang maniwala din si Ryuhan sa akin. Yoona's acting deserves an Oscars dahil sa galing nito. Pero mukhang 'di niya nakuha ang kagaspangan ng ugali ko but then she’s plastic, na-over react lang siguro ang pagpapanggap n’yang mabait siya. In some ways, pinagdadasal ko na sana magkaroon ng epekto kay Ryuhan ang ugaling pinakita ko at paniwalaan n'ya ang katotoha

