PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po." Ace AiTenshi March 3, 2017 Part 38: Asterius Ilang saglit pa ay nakalabas na akong sasakyan. Dito ay agad tumambad sa aking harapan ang magulong paligid, mga sirang gusali, tambak na bakal at maduming hangin na may kasamang alikabok at usok. Ang lamig ay nanunuot sa aking katawan at pakiwari ko ba ay naka kulong ako sa isang malaking freezer, ang lugar na ito ang perpektong anyo ng planetang walang buhay. Pilit kong iniscan ang paligid kung may bagay na buha