Ace AiTenshi March 5, 2017 Napa buntong hininga nalang ako habang naka siksik sa isang sulok. Pinang hahawakan ko pa rin ang pangakong ililigtas ang mundo kahit ano pang maging kapalit nito. Part 39: Ang hukbo ni Asura "Ang planetang ito ang magiging libingan mo Ace. Dito ka nababagay sa tambakan ng mga bakal. Lahat kayo ay dito na malilibing ng buhay." ang sigaw ni Asura habang patuloy akong hinahanap sa paligid. Samantalang ako naman ay naka kubli lang sa isang sulok at maiging tinatapalan ang malaking butas sa aking tiyan. Wala akong nararamdamang sakit ngunit ang pinsalang ito ay mag papahina sa aking katawan kaya't mas kinakailangan kong mag doble ingat. Hindi ako kumikibo... "Nandyan ka ba?" ang narinig kong sigaw nito sabay pasabog sa isang lumang gusali. Inii