Ace AiTenshi March 6, 2017 Umuusok ang aking buong katawan at ganoon din ang aking kamao na halos malagas na sa tindi ng aking mga suntok na nilikha. "Kailangan kong manalo para sa mga taong minamahal ko.. Patawad kung umabot sa sukdulan ang lahat." ang wika ko sabay hagis sa kanyang naputol na braso. Part 40: Silong Tila umabot na nga sa sukdulan ang madugong labanan namin ni Asura. Kapwa namin narating ang hangganan ang aming mga lakas at sa huli ay isa lang sa amin ang nanatiling nakatayo. Malaki ang pinsalang natamo ang aking katawan, ang aking kanang braso ay putol na, ang aking dibdib ay wala nang pabalat, tanging kable na lamang basag na circuit ang tanging gumagana. Ang kalahati ng aking mukha kabilang na ang kaliwang mata ay kita na ang pinaka bungo na bakal. Ngunit