Ace AiTenshi Feb 23, 2017 Habang lumalapit siya sa aking kinalalagyan ay unti unting nag babago ang anyo ng paligid. Para itong nagiging labas ng kalawakan. May bituin, may kometa, may mga planeta at nandoon din ang Earth. "Ngayon ay matutunghayan mo ang katotohanan sa likod ng iyong mga talino." ang wika niya at doon ay biglang nag iba ang anyo ng mundo. Ang kulay asul at berdeng mukha nito ay naging kulay puti na animo gawa sa metal. Part 31: Oras at Espasyo "Iyan ang anyo ng inyong mundo dalawang daan taon mula ngayon. Ang paligid ay puro metal at mataas ang antas ng teknolohiya." ang wika ni Asura at maya maya muling nag bago ang anyo ng mundo. Naging purong berde ito asul na napaka sarap sa mata. "Iyan naman ang anyo ng inyong mundo noong hindi pa natututo ang tao sa