Ace AiTenshi Feb 24 2017 Napatitig na lamang ako kay Kuya Sam na naka handusay sa lupa, may dugo sa mukha at sa bibig. Kasabay noon ang pag tulo ng luha sa aking mga mata. Part 32: Perpektong Makina Ilang minuto rin akong naka hinto at panandaliang nawalan ng power ang katawan. At dahil nga naka manual mode ay hindi gagana ang otomatikong system para makontrol ng kalaban. Naka power down ang aking katawan ngunit gising na gising ako at maigi kong nakikita ang kaawa awang sinapit ni kuya Sam dulot ng aking pag atake. Duguan ito at halos mawala sa balanse ang kanyang katawan habang naka sadsad sa lupa. Maya maya ay umubo ito dumilat. "Arrggghhh, tol ayos ka lang ba?" ang wika nito noong makita akong naka lungayngay sa kanyang harapan. Sa halip na isipin ang kanyang sarili a