PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po." Ace AiTenshi Feb 20, 2017 Nasa ganoong pag tayo ako ng isang pang liwanag ang bumagsak mula sa kalangitan at lumikha nanaman ito ng malakas na pag sabog dahilan para magiba ang buong siyudad, ang gusali ay nasira at ang lahat ay naabo na parang isang lugar na dinaanan ng matinding delubyo. Isa pang liwanag ang bumagsak at tumama naman ito sa aming bakuran.. Dito ay nag simulang sumabog ang aming bahay at ang lahat ay nag sigawan sa matinding takot at pag kabig