Ace AiTenshi Feb 22, 2017 Nais kong mag salita ngunit bigla na lamang nag shutdown ang aking baterya at nag dilim ang aking paningin.. Wala na akong natandaan pa.. Part 28: Kasalungat REPORTER: Kanina ay tumama ang magnitude 5.8 sa buong siyudad ngunit wala namang nabalitang namatay bagamat maraming gusali ang napinsala dahil sa malakas na pag uga ng lupa. Pinaniniwalaang ang lindol ay nag mula sa ilalim ng karagatan kaya't malakas ang naging epekto nito sa ating bansa lalo't napapaligiran tayo ng tubig. Ang ilang mga nakatira sa mga coastal area ay lumikas dahil sa pag kakaroon ng tsunami dulot ng malakas na pag yanig sa ilalim ng tubig. Tinatayang nasa higit kumulang 13 billion ang pinsalang natamo dulot pag lindol. Pinatay ni kuya Samuel ang tv. "Pa, kamusta a