Stupid! Ito ang tanging salita na naiisip ni Tamara patungkol sa sarili niya. She gave herself to her contracted husband, not just once but many, many times in a span of several hours. And what’s worst? She liked it. She liked every moment they shared.
Hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam na lumulukob sa pagkatao niya. Alam niya na mali ang lahat. Isang pagkakamali at katangahan na bunsod ng kalasingan at makamundong pagnanasa. Pero nang ulitin nila ni Mikel ang mga ginawa nila ng sumunod na umaga ay hindi na siya lasing. Hindi na siya lasing, pero animo siya isang lasing na naging sunod-sunuran sa tawag ng pagnanasa.
Lust. Everything that happened is just pure lust, and she knows that. But there is a feeling of passion in between those kisses at hindi maikakaila iyon ni Tamara.
Ngayon ay hindi niya maharap ang kan’yang asawa. Nahihiya siya kung paano pakikitunguhan ang lalaki pagkatapos ng mga namagitan sa kanilang dalawa. It was wild, it was hot and it was definitely mind-shattering. Mikel knows how to pleasure her at muli ay nabihag ni Mikel ang buong pagkatao niya.
Paikot-ikot si Tamara sa silid niya at pilit na pinapakalma hindi lamang ang naghuhurumentado na puso at isipan niya, kung hindi ang mapaghanap na katawan niya. Her body is longing for him. Her body is craving for him. Sa isang iglap ay nagising ang makamundo na pagnanasa sa katauhan niya at iisang tao lamang ang hinahanap-hanap nito, si Mikel lamang.
"Sweetie, come on, lumabas ka na riyan at naghanda ako ng almusal." sigaw ni Mikel sa kan’ya kaya natilihan na naman si Tamara.
Nagmamadali siya na bumalik sa kama at nagpanggap na natutulog. Hindi niya talaga kayang harapin si Mikel sa mga oras na ito. Kapag nakikita niya ang kan'yang asawa ay nanunumbalik sa isipan niya ang maiinit na tagpo nilang dalawa.
"Bu, are you asleep?" Kasabay ng boses na iyon ay ang dahan-dahan na pagbukas ng pintuan sa silid ni Tamara.
Agad na sumilay ang ngiti sa mga labi ni Mikel nang mabungaran ang asawa na nakahiga pa rin sa kama. Maybe, she’s exhausted. Maybe, she is spent with the several hours of love making that they did.
Wait! Is that supposed to be love making? Hindi man sila nagkaaminan ng tunay nila na nararamdaman, the actions and the passion of last night and the morning after are enough guarantees of the unspoken words and feelings that they have for each other.
"Sweetie, may masakit ba sa’yo? Hindi ka ba makalakad? Are you tired?" Sunod-sunod na tanong ni Mikel kay Tamara. Halata ang pag-aalala sa kan’yang tinig pero hindi maiwasan ang ningning sa kan’yang mga mata.
Hindi kumilos si Tamara at patuloy na nagpanggap na nakapikit at natutulog. Marahan siya na hinalikan ni Mikel sa noo at hinimas pa ang kan’yang pisngi.
"I’ll bring your breakfast here, bu. I’m sorry if I hurt you last night and this morning. But I am happy spending time with you. Spending that intimate moment with you is something so special." Tumayo si Mikel at lumabas ng silid upang kunin ang almusal na inihanda niya.
Nang makalabas siya ay hiyang-hiya naman na nagtalukbong ng kumot si Tamara. Paano ba niya pakikiharapan si Mikel kung nagbabago na naman ang pakikitungo ng asawa niya sa kan’ya? And Tamara doesn’t know what to do, lalo na at ibang Mikel na ang nakikita niya.
He is more caring and more loving. Is she right to assume that what he is showing her is love? Or is it just a product of his lust? Ayaw man ni Tamara na husgahan ang mga ikinikilos ni Mikel ay hindi niya mapigilan ang kan'yang sarili. Ayaw na niya na mag-assume ng mga bagay na ikakasakit lamang din ng puso niya sa bandang huli.
Naiisip ni Tamara na ang mas makakabuti na gawin ay ang balewalain na lamang ang mga nagyari. Maybe it’s just the s****l tension between them, kung mayro’n man na gano’n sa pagitan nila. At dahil pareho na nila na nailabas ang namumuo na pagnanasa nila sa isa’t-isa ay mas maayos na nila na mapakikisamahan ang bawat isa ngayon. Everything that happened between them is just pure s*x. Period. Ito ang patuloy na iginigiit ni Tamara sa kan’yang isipan.
"Bu, sweetie, wake-up. Kumain ka na muna dahil ipinaghanda kita ng almusal." Hindi man sigurado kung paano haharapin ang asawa ay iminulat ni Tamara ang kan’yang mga mata at dahan-dahan na lumabas sa pagkakatalukbong ng kumot nang marinig ang boses ni Mikel.
Tipid na ngiti ang ibinigy niya sa asawa niya na tumabi naman sa kan’ya sa kama. "Bakit ka pa nagluto? Dapat ay ako na ang gumawa nito. May lakad ba kayo ni Stan ngayon?" tanong pa niya.
"Baka hindi ka makapagluto dahil baka pagod ka at baka nahihirapan ka na kumilos." Pilyo na ngiti pa ni Mikel na nakapagpamula naman sa pisngi ni Tamara. "Ayos ka lang ba? May masakit ba sa’yo?" dugtong pa nito.
"Ano ka ba, Mikel? Parang kang ewan, ayos lang ako. Sige na at iwan mo na ako. Hindi mo naman na ako kailangan na asikasuhin dahil maayos ang lagay ko."
"Sigurado ka? But that was your-"
"Hep!" Pinigil na agad ni Tamara ang sasabihin ni Mikel dahil ayaw na niya na pag-usapan pa ang mga nangyari sa pagitan nilang dalawa. "Ayos lang ako. Hindi ka ba aalis ngayon? Hindi ba at may lakad kayo ni Stan kapag weekend?"
"I won’t leave you. I’ll stay here with you, my wife. At huwag ka na magpumilit pa dahil wala ka nang magagawa pa sa desisyon ko. I’ll spend my free time with you, my wife."
"Hindi mo obligasyon na samahan ako dahil lamang sa may nangyari sa atin, Mikel. Hindi mo obligasyon at wala kang pananagutan sa akin."
Mabilis ang pagsasalubong ng kilay ni Mikel sa mga sinabi ni Tamara. Naiinis na siya dahil sa inaakto ni Tamara na parang wala lamang para rito ang pinagsaluhan nila na maiinit na sandali.
"Obligasyon at responsibilidad kita habang dala-dala mo ang apelyido ko. You’re my wife, Tamara, at mananatili ka bilang asawa ko."
Parehas sila na natigilan sa mga sinabi na iyon ni Mikel. Hindi sigurado si Tamara kung ano ang ibig sabihin ng asawa niya sa sinabi nito na mananatili siya na asawa nito. Naguguluhan na siya sa mga ikinikilos ni Mikel at ayaw niya isipin na ang lahat ng ito ay dahil lamang iniisip ni Mikel na kailangan siya na pananagutan dahil siya ang nakauna sa kan’ya.
Hindi rin alam ni Mikel kung ano ang ibig niya sabihin sa sinabi niya na mananatili si Tamara bilang asawa niya. Is he referring to right now or after two years? Even him is not so sure anymore. Masyado na ginulo ni Tamara ang buhay at plano niya. At kahit siya ay nawawala na sa wisyo dahil iisa lamang ang nasa isip niya, si Tamara lamang.
Ang bawat kilos, galaw at desisyon na ginagawa niya ngayon ay lagi na naka-depende kay Tamara. Did she slowly break the walls he set? She managed to look beyond his facade and get to know him in depth. At natatakot si Mikel na sa muli, ang buhay at pagkatao niya ay sumentro sa iisang babae lamang. Natatakot siya sa mga multo ng kahapon niya kaya hindi niya maamin kay Tamara ang totoo na nilalaman ng puso niya.
He is just hoping that Tamara can see past his words and look beyond what his mouth can utter. She needs to see him more closely by his actions, because his true feelings lie beneath the actions he takes for her.