Chapter 26 - The After-S*x Aftershock

1186 Words
Mahimbing na mahimbing pa ang tulog ng mag-asawa. Magkayakap pa sila habang may parehong ngiti sa kanilang labi. What happened last night was not part of Mikel’s plan. Ang nais niya lamang ay malaman ang katotohanan sa nararamdaman ng kan’yang asawa para sa kan'ya. But everything happened so fast and they suddenly become one. Bahagya na kumilos si Mikel nang makaramdam ng ngalay sa kan’yang braso. Idinilat ang isang mata at pilit na inaaninag ang paligid niya. Sumilay ang ngiti sa kan’yang labi at tuluyan na idinilat ang mga mata nang masulyapan ang asawa na nakayakap sa kan’yang dibdib at nababalot lamang ng kumot ang katawan nito. No words were exchange between them, pero ramdam ni Mikel ang katotohanan sa nangyari sa nagdaang gabi. She gave him her most prized possession: herself. And she gave it to him with no qualms and inhibitions. And he couldn't be any happier being her first. Hindi mawala-wala ang kan’yang ngiti habang dahan-dahan na hinihimas ang ulo ni Tamara. Alam niya na he is now ahead of Wyatt. Dahil sa nangyari sa kanila ni Tamara ay mahihirapan na ang asawa niya na tapusin ang kung ano man ang mayro’n sa kanilang dalawa. At mawawalan na rin ng pag-asa si Wyatt sa kung ano man ang plano ng kan’yang pinsan sa asawa niya. He continues to engulf Tamara in his warmth. Hindi pa man niya tuluyan na maipaliwanag ang totoo na nararamdaman niya ay dahan-dahan nang nasasaklawan ng asawa niya ang malaking bahagi ng puso niya. Bahagya na kumilos si Tamara at sinulyapan niya ang asawa. Nais niya na makita ang magiging reaksyon nito sa puwesto nilang dalawa. Kinapa-kapa pa ni Tamara ang braso niya tsaka dahan-dahan na ibinukas ang mga mata. Nais na matawa ni Mikel sa biglang panlalaki ng mga mata ng asawa niya nang makita siya na nakatunghay sa kan’ya. Pilit pa sana na lalayo si Tamara pero naging maagap si Mikel na hawakan siya ng mahigpit. "Good morning, bu." malambing na bati ni Mikel kay Tamara. Paling-linga si Tamara at hindi direkta na tumitingin kay Mikel. Naaasiwa siya sa posisyon nilang dalawa at nais na niya na dumistansya at magkaro’n ng sapat na espasyo sa pagitan nila, pero ramdam niya ang mahigpit na pagkakayakap sa kan’ya ng asawa niya. "Goo-good morning. Ah, ano, pasensya na hindi ko na namalayan na rito ako sa silid mo nakatulog. Ah, mauna na ako." Bahagya niya na itinulak si Mikel papalayo pero lalo lamang siya na inilapit nito sa sariling katawan. "Saan ka pupunta?" "Ano, pupunta ako sa kuwarto ko. Tama, lilipat na ako sa silid ko para naman makapagpahinga ka rito." "Stay here, bu." Naguguluhan si Tamara dahil hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang ikinikilos ni Mikel sa kan’ya simula pa kagabi. Ayaw na niya na mag-assume ulit ng mga bagay na ikakapahiya na naman niya. "Tam, let’s talk about what happened." bulong ni Mikel sa tainga niya. And those words made her heart beat fast. Gusto ba ni Mikel na pag-usapan nila ang nangyari dahil iniisip ng asawa niya na maghahabol siya? Gusto ba ni Mikel na ngayon pa lang ay ipaabot na sa kan’ya ang katotohanan na wala siyang aasahan sa lalaki, kaya habang maaga pa ay magkalinawan na sila that what happened is just because they are both drunk? "Tamara." Muli ang malambing na boses ni Mikel sa kan’ya. "It’s okay. Ang ibig ko sabihin ay ayos na ang nangyari at wala tayong dapat na pag-usapan pa dahil mananatili ang kontrata sa pagitan natin. Lilipat muna ako sa kuwarto ko para makapag-ayos, ipaghahanda na rin kita ng almusal." Pabangon na si Tamara nang hawakan ni Mikel ang braso niya. "Tam." "Walang magbabago sa kontrata, Mikel. Alam ko ang napag-usapan natin at mananatili iyon. Huwag ka na masyado na mag-alala sa nangyari, tutal ay parehas naman tayong lasing at wala akong sinisisi. Hindi pa ba tayo nasasanay na tuwing nalalasing tayong dalawa ay kung ano-ano na kalokohan ang nagagawa natin? Nagpakasal nga tayo nang una tayong malasing, ano ba naman iyon mag-s*x tayo dahil nalasing tayo? Mag-asawa pa rin naman tayo." Ang kanina na malamyos na tingin ni Mikel sa kan’ya ay napalitan ng madidilim at galit na sulyap. At sa muli ay hindi niya maintindihan kung ano ang pinanggagalingan ng mga galit na titig na iyon ng asawa niya. "Huwag ka na magsungit, Mikel. At huwag mo na rin pagsalubungin pa ang kilay mo sa akin. Ibabalik ko na lamang mamaya itong kumot mo, lalabhan ko muna." Tumayo na si Tamara at diretso na lumabas ng silid ni Mikel. Naiwan si Mikel na nakatulala sa pintuan na nilabasan ng asawa niya. The passionate night that they both have last night ay balewala ngayon kay Tamara. Naiinis siya isipin na walang epekto sa asawa niya ang mainit na gabi na pinagsaluhan nila. At hindi niya iyon matatanggap, because what happened between them is going to be his hold to his wife. Sa sobrang inis ay mabilis na bumangon si Mikel at sinuot ang nagkalat na damit sa sahig. Kailangan niya na makausap si Tamara sa ayaw at sa gusto man ng asawa niya. Pumunta siya sa silid ni Tamara at kumatok. Nakakailang katok na siya ay hindi nito binubuksan ang pintuan kaya pinihit niya ang door knob. Sakto naman na hindi iyon naka-lock kaya pumasok siya kahit na alam niya na malaki ang tsansa na magwala na naman si Tamara sa kan'ya. Walang tao sa silid nang makapasok siya. Nagpalinga-linga pa siya upang hanapin si Tamara at nagtataka na siya kung saan na naman nagsuot ang babae na iyon. Lalabas na sana siya ng silid nang bigla rin naman ang pagbukas ng pintuan sa banyo. Nagkagulatan pa sila lalo na at nakatapis lamang ng tuwalya si Tamara habang may mga tubig pa na pumapatak buhat sa buhok nito pababa sa kan'yang dibdib. Napamulagat si Mikel sa tanawin na iyon at muli na nanumbalik sa isipan niya ang mainit na tagpo nilang dalawa. Kitang-kita niya ang pamumula ng pisngi ni Tamara at pilit man na pinaglalabanan ni Mikel ang init na nabubuhay sa kan’yang katawan ay hindi niya maiwasan ang pagbangon ng pagnanasa niya para sa babae na kaharap niya. "f**k this!" Tanging salita na nausal ni Mikel at sabay na sinunggaban ng halik ang asawa niya na naestatwa na sa pagkakatayo. Makalipas ang ilang segundo ay naramdaman ni Mikel ang pagganti at pagtugon ni Tamara sa mga halik na iginagawad niya. At ang makamundong halik na iyon ay muli na nagbigay sa kanila ng pagkakataon na pagsaluhan ang maiinit na sandali sa pagitan nila. Mikel is slowly losing all the control he has for himself and this is all because of Tamara. Hindi siya sanay na gumawa ng mga bagay na makakasira sa mga plano niya, but everything changed when he met her. Sa pagdating ni Tamara sa buhay niya ay napakadali na rin kay Mikel ang malihis sa mga plano niya. He doesn’t know if Tamara’s presence in his life is a good thing or a bad thing. But one thing that he is sure of is that he wants her beside him all the time.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD