Gulat na gulat ako nang pag-uwi ko ay maabutan ko si Mikel sa may sala at may ilang bote ng alak na kaharap. Maaga ako na lumabas ng opisina kanina dahil may mga inasikaso kami ni Wyatt para sa joint project ng kumpanya nila ni Mikel. Dumating din ang ina ni Mikel at naisama pa ako sa meeting kasama ang ama ni Wyatt. Hindi nakasama si Mikel dahil naging abala siya kanina sa opisina.
"Bu, you’re here. Kanina pa kita hinihintay." Tumingala siya sa akin at nagtama ang aming paningin. Namumungay na ang mga mata ni Mikel kaya hindi ko alam kung lasing na ba siya.
"Kumain ka na ba, Mikel? May problema ka ba? Bakit ka ba nag-iinom?" Sunod-sunod na pagtatanong ko. Hindi ko maiwasan na mag-alala kung mayro’n ba siya na matinding problema na naman. Hindi naman kasi madalas na umiinom si Mikel, kaya nasisiguro ko na may problema siya.
"Wow! Ikaw ba ‘yan, bu? Talaga ba na nag-aalala ka para sa akin?"
"Masyado ka naman na advance mag-isip, Mikel. Tinanong ko lang kung bakit ka umiinom, nag-aalala na agad." sagot ko na naka-ismid pa.
Iminuwestra niya sa akin ang espasyo sa tabi niya at pinapalapit ako roon. Nagdadalawang-isip ako kung lalapit ba ako o magpapaalam na pupunta na sa aking silid. "Come here and join me, bu." pagyaya niya muli.
Simula nang ikasal ulit kami ay ngayon na lamang ako makikipaglapit sa kan’ya. Patuloy ko siya na iniwasan sa nakalipas na mga araw to safeguard myself and my heart. Tama na ang isang beses na mapahiya ako sa kan’ya dahil iniisip niya na asumera ako.
"Tamara, masyado ka na ba na abala para samahan ang asawa mo kahit sandali lang? Mabuti pa si Wyatt, mabuti pa ang pinsan ko na kasama mo buong araw at mukhang masaya kayong dalawa na kasama pa ang nanay ko. Ano, happy family lang kayo, gano’n?"
Is he drunk? Kanina pa ba siya na umiinom kaya parang may tama na siya? Wala sa sarili na lumapit ako para na rin wala na kami na pagtalunan pa. Wala ako sa mood na makipagtalo sa kan’ya ngayon. "May problema ka ba?" Pag-uulit ko sa nauna ko na tanong.
"Umiinom lang may problema na agad? Hindi ba puwede na nag-re-relax lang? Join me."
"Ikaw na lang dahil wala akong plano na magpakalasing ngayon, dahil baka kung ano na naman na kalokohan ang magawa ko."
"Just two bottles, Tamara. Tatanggihan mo ba ang asawa mo?" Nagpapaawa pa ang mga mata ni Mikel at hindi ko magawa na tumanggi.
Baliw na nga yata ako dahil kahit na ano ang intensyon ko na umiwas sa kan’ya ay patuloy ko naman na isinusubo ang sarili ko papalapit sa sakit na maaari niya na ibigay sa akin. Inabot ko ang isang bote at tumungga ro’n. Hindi ko alam kung bakit niya naisipan na mag two bottles, pero sigurado ako na may gumugulo sa isipan niya.
"Spill it, Mikel. What’s bothering you?"
"I told you, nothing. I was bored kaya naisipan ko na mag-two bottles nang makaalis si Stan."
Sarkastiko ako na tumawa sa kan’ya sabay turo sa mga bote ng alak sa aming harapan. "Hindi ka lang marunong na magbilang? Is that two bottles? More like two dozen."
"Dahil alam ko na sasaluhan mo ako. Just like the first time we met."
Hindi na ako tumugon sa mga sinabi niya at mataman na lamang na tumitig sa mga bote ng alak. Malamang ay pareho kami na natahimik dahil pareho namin na sinasariwa ang araw na iyon. That unfateful day that we became fated to be each other’s contracted spouse.
And just like that, ang pauna na two bots namin ay nadagdagan nang nadagdagan, kaya pareho na naman kaming lasing ngayon. Lasing ako, pero alam ko pa ang ginagawa ko, and hopefully wala akong gawin na kalokohan na naman na pagsisisihan ko bukas.
"Alam mo ba kung bakit bu ang tawag ko sa’yo?" Bigla na pagtanong sa akin ni Mikel sa gitna ng kalasingan namin. Umiling ako. Wala naman talaga akong ideya, at nagulat na lamang ako na may terms of endearment na siya sa akin. And I find that sweet dahil siya lamang ang tumatawag sa akin ng gano’n. "Bu stands for bungangera."
Ngali-ngali ko na sapakin si Mikel nang marinig ang sagot niya. Gusto ko sana na mag walk-out, yaman din lang na mukhang minamaliit na naman niya ako. Kaso hindi ko magawa dahil umiikot ang paningin ko.
"Ikaw kasi ang bungangera sa buhay ko. Ang only bungangera of my life." Titig na titig siya sa mga mata ko nang sabihin iyon. At hindi ko maintindihan kung bakit ang puso ko ay bigla na natilihan. "At ikaw lang ang papayagan ko na maging bungangera sa buhay ko, Tamara."
Sa gitna ng pag-ikot ng paningin ko dahil sa kalasingan, ay may bahagi ng utak ko na rumerehistro ang bawat kataga na sinasabi ni Mikel. At kahit na negatibo ang mga salita na iyon ay nagiging postibo ito sa aking pandinig.
"I’m never good with words, Tamara. And my emotions are the worst. At times, I say things that I don’t mean, but my actions are always genuine. It’s a reflection of my feelings that I can never hide, despite how much I want to."
Ano raw? Marunong naman ako maka-intindi ng Ingles dahil sa naging trabaho ko sa mamahalin na restawran, pero at this exact moment ay na-blangko ako sa mga sinabi ni Mikel. Is he subconsciously telling me something with those words? Or is he just too drunk to realize what he is saying?
And once again, my emotions are all over the place. Kahit na anong pilit ko ay hindi ko maitatanggi na may espesyal na bahagi na si Mikel dito sa puso ko. At natatakot ako na sumugal dahil natatakot ako na masaktan.
Napalunok ako nang dahan-dahan nang ilapit ni Mikel ang mukha niya sa mukha ko. Nang akala ko na maglalapat na ang mga labi namin ay muli siya na nagsalita. "Don’t hate me for this, bu."
My eyes instantly closed at that moment, and just as I had anticipated, his lips crashed onto mine. At marahil dala ng alak sa sistema ko ay hindi ako tumutol at bagkus ay sinalubong ko ang mga halik na iyon. I am letting out all of my frustrations in him in that kiss.
At kaibahan sa halik na pinagsaluhan namin ng kami ay ikinasal, this kiss is fiercer, mas may pagnanasa na nais kumawala. The next thing I knew ay nakahiga na ako sa sofa at pinapangibabawan na ako ni Mikel. At mas lalo na wala ako na naging lakas upang tumutol.
My mind is clouded with lust just the same as his mind is. Napagtanto ko na lamang na pareho na kaming nakahubad at pilit man na isinisigaw ng isip ko na tigilan ito dahil labag ito sa kontrata na pinagkasunduan namin ay ayaw naman ito na sundin ng puso at katawan ko. Iba ang idinidikta nila sa nais ng isip ko.
Naging bihag ako ng mga yakap at mga halik ni Mikel. I became a wife who is foolishly falling in-love with his contracted husband. We were both consumed with lust, at pareho kami na nalulunod sa makasalanan na gabi na ito. And without thinking about the consequences again, pareho kami na nagpakalunod sa isang bagay na babago sa buhay namin dalawa. Paulit-ulit namin na pinagsaluhan ang maiinit na tagpo na iyon na nagsimula sa sala at nagtapos sa silid ni Mikel.
Yes, I am drunk. But not drunk enough not to have any recollection of what happened. I was drunk, but it gave me the freedom and the confidence to give everything to Mikel. And tonight, I lost my virginity to my contractual husband. A definite mistake, but a beautiful one.